Tuloy ang laban para sa mga frontliners ng Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) ng Sta. Ana Hospital matapos mag-negatibo ang kani-kanilang resulta sa coronavirus disease o COVID-19.

Ang buong staff ng MIDCC, kung saan lahat ay nag-boluntaryo mula sa iba't-ibang departamento ng Sta. Ana Hospital, ay sumailalim sa swab testing upang tiyakin ang kanilang kalagayan matapos mangalaga ng mga pasyenteng pinaghihinalaan at positibo sa sakit na COVID-19.


Isang buwan matapos ilunsad ang MIDCC sa publiko, kasalukuyan nang nasa 33 na kwarto ang kapasidad nito at nagsasagawa ng 30 swab tests ang ospital kada araw sa iba't-ibang pasyente.

Sa isang Facebook post, nagbigay-pugay ang pamunuan ng Sta. Ana Hospital sa matatapang na mga nurse at staff ng MIDCC.

"Tinanggap nila ng buong-loob ang hamon laban sa isang kalaban na hindi nakikita. Ito ay isang nakakapagod na mandato at trabaho, ngunit araw-araw nila itong hinaharap. Salamat sa Diyos sa mga mapagkawang-gawang mga mandirigma [laban sa COVID-19]!"

#AlertoManileno #COVID19PH

What can you say about this article? Please leave your comments below. Thank you for visiting Manila News!



Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post