Dapat sipagin ang mga opisyal ng barangay na mag-house-to-house sa distribusyon ng ayuda mula sa pamahalaan dahil nagawa na rin naman nilang mag-house-to-house noon para mangampanya, ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

“Mahirap isa-isa, tama? Pero ginawa niyo na iyan dati. Alam niyo kailan? Noong kampanya, tama? Makes sense,” ayon kay Domagoso.

“Dati, nanghihingi kayo ng boto kaya nag-house-to-house. Ngayon, baliktad, nag-house-to-house kayo dahil namimigay kayo ng tulong,” dagdag niya.



Nanawagan din ang alkalde sa lahat ng opisyal ng barangay na huwag sumuko ngayong malaking krisis ang hinaharap ng lungsod dahil sa COVID-19 outbreak.

“Napapagod na ba kayo? Nakakapagod no? But please, don’t give up. Kailangan ko po kayo.”

Inilahad ni Domagoso ang kanyang panawagan habang tinutuloy ng Manila City government ang distribusyon ng ayudang P1,000 sa mahigit 500,000 pamilya sa lungsod.

Ang ayuda ay galing sa bagong gawa na City Amelioration Crisis Assistance Fund ng Lungsod ng Maynila.

(Mga kuha ni Christian Turingan/MPIO)

#AlertoManileno #COVID19PH

What can you say about this article? Please leave your comments below. Thank you for visiting Manila News!



Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post