Naihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 39,364 food boxes mula sa DSWD-NCR at Manila Department of Social Welfare para sa mga pamilyang Manileño sa loob lamang ng 48 na oras.

Ayon kay Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, naging maagap ang sistema ng distribusyon ng mga food packs dahil sa pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga ahensya ng lungsod at ng mga mamamayan.

"Nagpapasalamat ako sa Manila Police District, Gen. Rolly Miranda at men and women in uniform; sa Manila Department of Social Welfare at Director Re Fugoso; sa Department of Public Services, Kenneth Amurao, sampu ng iyong mga kasama at sa Department of Engineering and Public Works, City Engineer Andres, sampu ng iyong mga kasama," aniya.


"Salamat Vice Mayor Honey Lacuna, napakaswerte ko po na may katulong akong Vice Mayor na nagkataon ding doktor," pasasalamat ng alkalde.

Binigyang-diin ng alkalde ang hangarin ng Pamahalaang Lungsod na mag-abot ng tulong sa bawat pamilyang Manileño na apektado ng 'enhanced community quarantine' sa buong rehiyon.

"Bawat pamilya, pipilitin natin. 'Yun ang greatest goal of the city government in the coming weeks," aniya.

"We will try to reach you as soon as possible. Stay home, we will be there at your doorstep. Konting pasensya lang. Hindi ko papayagang harangin ako ng pader, hahanap at hahanap tayo ng paraan para abutin kayong lahat," pangako ni Domagoso.

#AlertoManileno #GoFor350kFamilies #COVID19PH

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post