isko baha
Umani ng papuri si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos niyang lumusong sa baha sa paghahangad na makita ang totoong lagay ng mga taong nakatira sa binabahang lugar.

Sa Facebook, ibinahagi ni Ons Lino Reyes ang ilang larawan ng alkalde habang lumulusong sa hanggang baywang na baha sa isang area sa Maynila.

“Lumusong sa baha si Mayor Isko Moreno ng Maynila para silipin ang mga kalagayan ng mga tao. Sa tingin ko, walang makagagawa nito lalo na kung pa-cute lang ang isang mayor,” saad ni Reyes sa caption ng mga larawan.

Marami ang natuwa at humanga sa ginawang ito ng mayor. Anila, hindi madaling lumusong sa baha pero ginawa pa rin ito ng alkalde, kaya mapalad daw sila sa dedikasyon ng kanilang inihalal sa puwesto.


May mga natuwa rin dahil wala pa rin kaarte-arte ang noon ay mahirap lamang na Manilenyo kahit pa malayong-malayo na ang narating nito.
Wika pa ng ilan sa mga nag-comment, bago pa man maging alkalde ay ganito na raw ang actor-turned-politician; hindi natatakot na lumusong sa baha o pumunta sa nangangailangan ng tulong kahit nasaan pa nito.
As of posting, nakakuha na ng lampas 20,000 reactions at halos 30,000 shares ang post.


Loading...

RELATED: 


Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post