Pananagutin ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mga barangay official na hindi patas sa distribusyon ng food boxes ngayong may COVID-19 pandemic.

Narito ang buong pahayag ng alkalde sa mga barangay official:

Sa pangkalahatan, suriin niyo maigi iyong binibigay niyong listahan ng pamilya. Ang bilin ko, wag niyo isipin kung botante, bawat pamilya, ibilang natin. Iyon ang polisiya.



May mga nakita kaming ilan kung saan si chairman, gusto tumakbo ng Mr. and Mrs. Congeniality. Kailangan mo mag-gobyerno chairman. May nakita kaming listahan ng mga pamilya, 25 na pangalan pero iisang pamilya.

Mga kababayan: Katulad ng pinapangako sa inyo, pangangalagaan ko at poproteksyonan ang inyong mga interes. Hindi ko hahayaan ang abuso.

Nananawagan ako sa mga chairman, ayusin niyo po. Sa bawat pagnanais, pag-aasam at pagiging makasrili, at nililista niyo isang pangalan, 25 na pangalan (pero mula sa) iisang pamilya—sa bawat box na makukuha niyo, iisang pamilya naman ang mawawalan.

Sa panahon ngayon, ang kailangan umiral sa atin ay malasakit—malasakit sa kapwa, pagmamahal sa kapwa. Huwag tayo mang-iiwan ng pamilya.

Tingnan natin kung pantay-pantay ang mamamayan. Lahat may sikmura. Mahirap, middle class, mayaman. Lahat kailangan kumain. Iyon sana ang tumakbo sa ating isipan.

Paalala lang po, siguraduhin po, kapag may mali, panananagutin ko kayo sa mata ng batas, sa Commission on Audit. Cargo niyo po iyan. Pera po ng taumbayan iyan. Dapat lang makamit nila iyan.


Hindi po makakaresolba ang pagbibigay ng pabor sa iilan lang. Dapat titingnan natin dito ang pantay-pantay na trato sa nagugutom---mayaman, middle class, mahirap. Umiral sana sa atin.

Iyan ang ating panawagan.

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post